Sa Iyong Bawat Pagluha

(orihinal na isinulat noong Oktubre 3, 2004; nirebisa noong Marso 31, 2005)

kada patak ng luha sa mata mo’y
katumbas ng pagsimangot ng tibok ng puso ko
sa bawat hikbi na aking marinig
waring tainga’y nais dumugo sa hilahil

nais kong iyong malaman
na ako’y labis na nasasaktan
sa tuwing nakikita kitang ganyan
nalulungkot, umiiyak

hindi ko maibibigay ang pinaka-absorbent na panyo
na maaaring gamitin mo sa pagpunas ng luha mo
hindi ko marerentahan ang pinakanakakatawang payaso
para lungkot mo’y mabura, mapawi, maglaho

kaya tahan na, kaibigan, tahan na
baka ng iyong nadarama’y di ko na makaya
hindi ko matiis na bumuhos din ang luha
na tila ulan sa aking mga mata

lagi mong isipin kaibigan,
nandito lang ako upang ika’y damayan
ang kalungkuta’y huwag mong dibdibin
problema mo’y ilabas, sabihin mo sa akin…


About this entry