Sanay Na

orihinal na isinulat noong Pebrero 26, 2005

Lagi nalang
Tuwing gigising sa umaga
Maghahapit, di magkanda-ugaga

Lagi nalang
Makikipagsabayan
Sa kapal ng tao
doon sa Bayan

At lagi nalang

Nag-iisa’t nalulumbay

Lagi nalang nais MAGPAKAMATAY

Araw-araw nalang

Nadirinig ko ang sigawan

Oras-oras nalang

Wlang katahimikan

Okey lang sa akin

Sanay na ako sa buhay kong

Puno ng

Lungkot at sakit

Kabigua’t, kaguluhan

Wag kang mag-alala, kaibigan

Sanay na ako

Salamat sa tulong

Na alok mo

Lagi nalang

walang makausap

Nakikipagdaldalan sa dingding

Lagi nalang

Walang masandalan

Tuwing nais lumuha

Maninibago ako

Kung sakaling mundo ko’y maglaho

At mapalitan ng mukhang bago

Masanay pa kaya ako?


About this entry